Home NATIONWIDE PCO, socmed companies sanib-pwersa sa pagpapaigting ng digital defense vs fake news

PCO, socmed companies sanib-pwersa sa pagpapaigting ng digital defense vs fake news

MANILA, Philippines- Magkatuwang ang Presidential Communications Office (PCO) at ang mga higanteng social media company sa Pilipinas sa paglaban sa “misinformation at disinformation.”

Binigyang-diin ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao sa pagtitipon na tinawag na UniComm 2024 sa Bayleaf Hotel sa Intramuros, Maynila ang pangangailangan na wakasan na ang “misinformation at disinformation” sa loob ng “digital sphere” laban sa mga programa ng gobyerno at indibidwal.

“We are starting with our digital defense today because it is very clear to us that misinformation and disinformation campaigns against the government programs, and against the persons within the administration, are increasingly prevalent,” ayon kay Ridao.

“And so, we’re hoping that together,  we can really put an end to this problem within our digital sphere,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, dumalo naman sa “Tech Talks” discussion ang mga opisyal mula sa Meta, Google, at TikTok.

Ibinahagi ng mga ito ang kanilang “invaluable insights” at expertise sa paglaban sa misinformation at disinformation.

Sa kabilang dako, pinaalalahanan ni Meta public policy associate manager Genixon David ang publiko na panatilihing ‘secure’ ang kanilang social media accounts. Ang Meta ay ang kompanya na nasa likod ng Facebook, Instagram, Threads at WhatsApp.

“As much as possible, let’s make our passwords strong and unique,” ayon kay David.

Pinag-iingat din nito ang publiko laban sa paggamit ng kanilang pangalan, kaarawan, address o iba pang identified data bilang kanilang passwords, at pinaalalahanan ang mga ito na iwasan ang paggamit ng single password sa multiple social media accounts para maiwasang makompromiso.

Tinuran naman ni Google head of government affairs Yves Gonzales na hindi pinapayagan ng YouTube ang contents na naglalaman ng seryosong panganib sa pagpapakalat ng medical information na salungat sa local health authorities o guidelines na itinakda ng World Health Organization.

Sinabi ni Gonzales na misyon ng YouTube na bigyan ng boses ang publiko sa social media at bigyan ang mga ito ng go-to platform kung saan sila matututo, mai-entertain at makalilikha ng audience sa pamamagitan ng kanilang channels.

“YouTube has basically democratized having an audience, as an open platform, users like you, [like] individual users and governments come to YouTube on a voluntary basis and you have the full control over when, if and what kind of content you choose to upload,” ayon kay Gonzales.

Binigyang-diin naman ng pinuno ng public policy ng TikTok sa Pilipinas at Malaysia na si Toff Rada ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “critical thinking” lalo na kapag ang users ay hindi matukoy o masabi ang tama at maling content.

“Even if you remove the bad pieces of content, even if you put up the right pieces of content, if your user cannot distinguish between right and wrong, then it is of no use. So, I think we have to build that critical thinking,” wika ni Rada.

Samantala, tinalakay din sa komperensiya ang mga hamon na kinahaharap ng mga ahensya ng gobyerno kabilang na ang account hacking at pagpapalaganap ng fake news.

Tinalakay din ang mga panukala para pagaanin ang panganib kabilang na ang pag-iwas mula sa pagpapalaganap ng pag-uulat ng “compromised accounts at advocating for the cultivation of critical thinking skills.” Kris Jose