MANILA, Philippines – NAKIPAG-SANIB-PUWERSA na ang Presidential Communications Office (PCO) sa VERA Files para sa magkasamang serye ng pagsasanay para labanan ang ‘misinformation at disinformation’ at mas palakasin pa ang media literacy sa loob ng state-run media outlets.
Ang training series, may titulong “Siguraduhing Totoo: A VERA Files Fact Checking and Online Verification Training” naglalayon na palakasin ang kasanayan ng state media fact-check officers sa iba’t ibang bansa: sa Luzon sa Pebrero 13-14, sa Visayas sa Pebrero 20-21, at sa Mindanao sa Pebrero 27-28.
Kabilang sa mga magpapartisipa ay ang FCOs mula sa regional units ng state media outfits gaya ng People’s Television Network Inc. (PTV), Radyo Pilipinas, Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC), Philippine Information Agency (PIA), at Philippine News Agency (PNA).
Ang VERA Files, isang independent non-profit media organization at isang signatory sa International Fact-Checking Network, ang siyang mangangasiwa ng workshops, “providing their expertise at no cost to the PCO.”
Gaya ng nakabalangkas sa Memorandum of Agreement (MOA), hindi tatanggap ang VERA Files ng kahit na anumang monetary compensation para sa pagsasagawa ng training sessions, binigyang-diin ang kanilang commitment sa paglaban sa misinformation at disinformation sa iba’t iba at lahat ng media platforms at mga bahagi ng lipunan.
Ang partnership na ito ay tanda ng mahalagang hakbang para palakasin ang ‘transparent at independent’ fact-checking mechanism sa loob ng state media.
Nakahanay din ito sa nagpapatuloy na ‘Maging Mapanuri’ campaign ng gobyerno para i-promote ang media literacy at labanan ang misinformation.
Nakatuon naman ang pagsasanay na bigyan ang fact-checkers ng kinakailangang kasanayan para i-navigate ang ‘complex information issues, fostering resilience laban sa misinformation’ sa digital age.
Samantala, nananatili naman ang PCO na nakatuon sa pagsusulong ng digital literacy at tiyakin na makatatanggap ang puibliko ng ‘accurate, credible information.’ Kris Jose