Home NATIONWIDE P85.1B smuggled goods nasamsam ng BOC noong 2024

P85.1B smuggled goods nasamsam ng BOC noong 2024

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Bureau of Customs ang nasa P85.1 bilyong halaga ng smuggled goods noong 2024.

Sa pahayag, sinabi ng BOC na nagsagawa ito ng mahigit 2,100 anti-smuggling operations noong nakaraang taon target ang mga pekeng produkto, illegal na droga, tobacco products, vape items at agricultural commodities.

Iniulat din ng BOC na nadiskubre rin nito ang nasa 20 bilyong litro ng petrolyo sa fuel marking program nito kontra sa smuggling ng petroleum products.

Umabot sa P242 bilyon ang tax revenue na kinita ng ahensya noong 2024 at nakakita ng 5 percent na pagtaas sa fuel marked noong 2024.

Samantala, binawian ng Customs ng lisensya ang 56 importers at brokers na napag-alamang lumalabag sa mga regulasyon.

Naihain din ang 45 criminal cases dahil sa smuggling incidents.

“By leveraging intelligence, enforcement and inter-agency collaboration, the BOC remains steadfast in its mission to secure our borders and uphold economic stability,” saad sa pahayag ni Commissioner Bienvenido Rubio. RNT/JGC