Home NATIONWIDE PCSO sasagutin na rin doctor’s fee ng mahihirap na pasyente

PCSO sasagutin na rin doctor’s fee ng mahihirap na pasyente

147
0

MANILA, Philippines – Hindi lamang medical bills kundi maging doctors fee na babayaran ng mga mahihirap na pasyente ay nakatakda na rin sagutin ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO).

Ang pahayag ay ginawa ni House Speaker Martin Romualdez matapos ang pakikipagpulong nito kina PSCO General Manager Melquiades Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr.

“Nagpapasalamat tayo dito sa ating GM ng PCSO at sinagot niya po ang hinaing ng ating health care professionals lalo na dito sa isyu ng professional fees,” pahayag ni Romualdez.

Sabi ni Robles kay Romualdez na target nilang matapos sa katapusan ng Oktubre ngayong taon ang pamamaraan para sa pagpapatupad ng pagsasama ng professional fee.

“All medical practitioners will (then) be covered by the government under the auspices of the PCSO so that health care will be totally free,” ani Romualdez.

Sinabi ni Robles na mayroong iba’t ibang tulong medikal na ang maaaring makuha ng mga mahihirap na Pilipinong may sakit, kasama dito ang mula sa PhilHealth at Department of Social Welfare and Development (DSWD) o kaya naman ang programang Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).

Sa kabila nito, sinabi ni Robles na marami pa ring pasyente ang nahihirapan na mabayaran ang professional fee ng mga doktor at dito umano makatutulong ang bagong programa ng PCSO. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here