Home NATIONWIDE SC: Mandatory drug testing sa lahat ng court employees, ‘di totoo

SC: Mandatory drug testing sa lahat ng court employees, ‘di totoo

MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ng Supreme Court (SC) ang sinabi ng isang political commentator na magpapatupad na ng mandatory drug testing ang SC Office of the Court Administrator (OCA) sa lahat ng judges at mga kawani ng korte.

Nilinaw ni SC spokesperson Atty Camille Ting na ang circular na inilabas ng OCA ay para sa annual physical examination ng mga judges at tauhan ng korte.

“The OCA issued OCA Circular No. 246-2024 enjoining all judges and court personnel of the first and second level courts to undergo a basic annual physical examination on or before October 15, 2024.”

Iginiit ni Ting na hindi bahagi ng annual physical examination ang mandatory drug test gaya ng ibinahagi sa social media ng isang political commentator sa X o ang dating Twitter.

Ipinaliwanag ni Ting na sa ilalim ng Judiciary Health Plan at sa kontrata ng bawat kawani sa kanilang health service provider, kinakailangan isagawa ang random drug tests ngunit hindi pa ito ipinatutupad.

“Under Item F.5 of the Judiciary Health Care Plan on Annual Physical Examination, drug testing of judges, officials and employees is included on a RANDOM BASIS.”

Ang isinasagawa aniya ng SC ay basic annual physical examination gaya ng pagkuha ng blood tests at urinalysis para matiyak ang maayos na kalusugan ng mga kawani ng Korte. Teresa Tavares