MANILA, Philippines – Hindi nakapagtala ng bagong kaso ng mpox sa bansa sa ngayon, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo, hindi pa nadagdagan ang bilang ng kaso sa bansa at ang huling natuklasang kaso ay noong Decemeber 2023.
Anang opisyal, lahat ng nasabing kaso ay gumaling na sa mpox.
Noong Miyerkules, idineklara ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang ” public health emergency of international concern” para sa pangalawang pagkakataon .
Ang kaso ng mpox ay nadagdagan sa Democratic Republic of Congo na kumalat sa kalapot na bansa sa Africa.
Noong Martes, nagdeklara ang Africa Centres for Disease Control and Prevention ng public health emergency dahil sa pagtaas ng 160 percent ng mga kaso ng mpox sa kontinente simula 2023.
Matatandaan na nagdeklara rin ang WHO ng public health emergency noong 2022 dahil sa outbreak dulot ng Clade IIb na mas banayad ang strand ng mpox.
Sinabi ni Domingo na ang Bureau of Quarantine ay nasa alert status ngunit walang karagdagang procedures na ginawa ang kanilang surveillance.
Ang lunas para sa mpox ay kinabibilangan ng paggamot sa mga sintomas at pagbabakuna para sa maiwasan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)