MANILA, Philippines – Nakakuha ng pinakamataas na score sa real estate brokers licensure examination ang graduate mula sa Philippine Christian University-Manila.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 1,306 sa 1,741 test takers ang nakapasa sa exam na ibinigay ng Board of Real Estate Service sa test centers sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena at Tacloban.
Si Russell De Guzman Buencamino ng Philippine Christian University-Manila ang nakakuha ng pinakamataas na iskor na may 91.50% result, habang ang top performing school na may 30 o higit pang test taker ay ang iAcademy Inc., na may 33 sa 35 examinees nito ang nakapasa. RNT/JGC