Home NATIONWIDE Pebrero 12 idineklarang National Voter’s Day

Pebrero 12 idineklarang National Voter’s Day

100
0
Ipinapasok ng botante ang balota sa vote counting machine (VCM) sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City para sa barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Lunes. Isa ang Barangay Pasong Tamo sa Quezon City sa tatlong barangay kung saan umiiral ang pilot testing ng Automated Elections System (AES) para sa BSKE. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) ang Pebrero 12 bilang Pambansang Araw ng mga Botanteng Pilipino o ang unang araw ng pagpaparehistro ng mga botante para makaboto sa 2025 Midterm election.

Ang naturang deklarasyon ay upang makahikayat ng mas marami pang botanteng Filipino na makapagparehistro.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, marami silang inihanda na mga kaganapan sa nasabing petsa.

“Yung February 12 natin na simula rin ng [voter] registration ay idinideklara naming Pambansang Araw ng Botanteng Pilipino .Therefore, napakadaming aktibidad na inihanda ng inyong Commission on Elections bilang pagkilala sa mga botanteng Pilipino sa araw na ‘yan,” pahayag ni Garcia.

Target ng Comelec na makapagtala ng 2 milyong bagong botante para sa eleksyon na gaganapin sa susunod na taon.

Samantala, ibinalita na rin ng Comelec na libre na ang pagkuha ng Certification sa Comelec matapos alisin ang lahat ng babayaran tungkol dito.

“I-aanounce po namin ilang araw mula ngayon, ‘yun pong lahat ng certification fees na binabayaran ng ating mga botante kapag kumuha ng certification sa COMELEC, idedeklara natin ‘yang libre. Asahan po ninyo na sa susunod na mga araw, ilalatag namin po namin ang guidelines para po diyan,” saad pa ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here