Home NATIONWIDE Pekeng alok na scholarship ibinabala ng DepEd

Pekeng alok na scholarship ibinabala ng DepEd

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Education nitong Lunes sa publiko laban sa mga pekeng post tungkol sa scholarship grant para sa mga estudyante.

Sa advisory na ipinost sa social media account nito, sinabi ng DepEd na ilegal ang mga post gamit ang selyo ng ahensya at larawan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte para lokohin ang mga tao.

May be an image of 1 person and text that says "ADVISORY MISINFORMATION ALERT Circulating FAKE DepEd Scholarships CARERERA NG Department of Education SCHOLARSHIP 2024 F Lahat ng Estudyante aaral lat mag Apply Elementary 5000 Highschoo 7000 College. ~10,000 Vocational 10,000 SCHOOL ம ONLY MAG PALISTA ΝΑ DepED MATATAG BAGONG PILIPINAS"

Ang mga pekeng post ay nag-alok ng grant na nagkakahalaga ng P5,000 para sa elementarya, P7,000 para sa high school students, at P10,000 para sa kolehiyo at vocational students.

Ang post ay humiling ng mga ID card ng mga mag-aaral kapalit ng nasabing mga scholarship, na binalaan ng DepEd.

“Lubos na pinapayuhan ang mga magulang at tagapag-alaga na huwag ibigay ang impormasyon sa paaralan at pagkakakilanlan ng kanilang mga anak sa mga ganitong uri ng kahindik-hindik na mga post upang hindi makompromiso ang kanilang seguridad,” saad sa pahayag.

“Pinaalalahanan ng DepEd ang lahat na manatiling mapagbantay laban sa maling impormasyon,” dagdag nito.

Noong Marso 6, naglabas din ang ahensya ng misinformation alert sa mga katulad na post na nag-aalok ng “pabaon” cash allowance na hanggang P5,000 para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Ang mga post ay may mga larawan din ng Bise Presidente at nangangailangan lamang ng ID card para sa nasabing allowance.

Hinikayat ng DepEd ang publiko na mag-ulat ng anumang mapanlinlang na mga post o maling impormasyon sa pamamagitan ng [email protected]. Santi Celario

Previous articleAFP: Teroristang pumatay sa 4 sundalo tutugisin!
Next articleTaas-terminal fee sa NAIA ‘di agad ipatutupad – DOTr