Home ENTERTAINMENT Pelikula ni direk Darryl kay Pepsi, may 2 titulo!

Pelikula ni direk Darryl kay Pepsi, may 2 titulo!

Manila, Philippines – Talagang there’s no stopping director Darryl Yap from pursuing his controversial film.

Ito nga ‘yung The Rapists of Pepsi Paloma whose teaser on the Facebook page of Yap ay hinainan na ng 19 counts of cyber libel ng kampo ni Vic Sotto.

Nabanggit kasi sa nasabing promotional material ang pangalan ng TV host-comedian.

Sa parte ni Yap, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Raymund Fortun ay humiling ito ng gag order mula sa Branch 205 ng Regional Trial Court ng Muntinlupa City para sa kampo ni Vic.

Ayon kay Fortun, bago pa man daw sinimulan ni Yap ang pelikula’y pinadalhan na nito ng script si Bossing.

Ngunit hindi raw ito tumugon.

Isa pang inilalaban ng kampo ni Yap ay ang pagkitil sa expression ng artistic freedom nito.

Ang latest, dalawang titulo o pamagat ang tataglayin ng pelikula.

Ang magiging international title nito’y The Rapists of Pepsi Paloma.

Samantala, ang lokal na gagamiting pamagat ay Pepsi Paloma lang.

Matatandaang may writ of habeas data na iginawad sa pelikula, and unless this is lifted ay hindi maaaring ipalabas ang movie commercially. Ronnie Carrasco III