Home NATIONWIDE Pera Coach, inilunsad ng GCash para sa mas mainam na financial literacy...

Pera Coach, inilunsad ng GCash para sa mas mainam na financial literacy ng mga Pilipino

379
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng GCash ang Pera Coach, ang kauna-unahang AI-powered financial coach sa Pilipinas na naka-embed sa isang e-wallet, ito’y upang mas maunawaan ng mga Pilipino ang sistema ng pananalapi.

Sa tulong ng Microsoft at gamit ang enterprise-grade AI, nakikipag-usap ang naturang financial coach sa iba’t ibang dialekto tulad ng English, Tagalog, Cebuano, at Hiligaynon upang mas madali itong maunawaan ng mga Pilipino.

Ang Pera Coach ay tumutugon sa mga tanong ng user tungkol sa financial goals, budget, risk appetite, at nagbibigay ng gabay na naka-personalize sa bawat yugto ng kanilang financial journey.

Bagamat may progreso sa financial inclusion sa bansa nitong mga nakaraang taon, limitado pa rin ang kakayahan ng marami na gamitin nang tama ang mas malawak na serbisyo ng pananalapi tulad ng insurance at investments.

Malaki ang epekto ng kakulangan sa financial literacy sa mababang adoption dahil maraming Pilipino ang walang malinaw at maaasahang gabay. Ayon sa 2021 survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 2% lamang ng mga matatandang Pilipino ang nakasagot nang tama sa anim na pangunahing tanong sa financial literacy.

Layunin ng Pera Coach na tugunan ang mga hamong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng akses sa malinaw at tugmang edukasyon sa pananalapi sa loob ng platform na araw-araw na ginagamit ng milyon-milyong Pilipino.

“Financial literacy should not feel intimidating or out of reach. Sa Pera Coach na direktang integrated sa GCash ecosystem, makakatanggap ang mga Pilipino ng real-time guidance na praktikal, naaayon sa sitwasyon, at madaling maintindihan, na makakatulong sa kanila na gumawa ng mas kumpiyansang desisyon sa pananalapi,” sabi ni Mynt Group Head of New Business Winsley Bangit.

“Even everyday moments like deciding how much to set aside for a weekly budget, comparing different savings accounts, or choosing a potential stock, can shape long-term outcomes, and we want to support users through those moments,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Jonathan Que, Country General Manager ng Microsoft Philippines, milyong Pilipino ang gumagamit ng mga financial platform ngunit isa sa apat na Pilipino lamang ang talagang ‘financially literate.’

“We’ve made real progress in financial access, but access without understanding isn’t inclusion—it’s an empowerment gap. And closing that gap is nation building. In working with GCash, we are putting a personal AI financial coach in the hands of every user, from the sari-sari owner in Davao to the OFW family in Pampanga. Responsible AI, built into the app millions already trust, turns everyday transactions into everyday learning,” saad ni Que.

“When every Filipino can understand their finances, save with confidence, and invest in their dreams, we don’t just strengthen households, we strengthen the nation,” dagdag pa niya.

Upang magamit ang Pera Coach, buksan lamang ang GCash application, magpunta sa ‘Save’ or ‘Invest’ at pindutin ang Pera Coach banner. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng malawakang misyon ng GCash na gawing financial literate at financially inclusive ang bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here