Home NATIONWIDE ‘Perfect replacement’ sa DepEd, kailangan pagresolba sa problema sa education sector –...

‘Perfect replacement’ sa DepEd, kailangan pagresolba sa problema sa education sector – Cayetano

MANILA, Philippines – Kailangan ng ‘perfect replacement’ para sa susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) para matugunan ang mga problema sa education sector, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano.

Umaasa ang senador na hindi maaapektuhan ng transition para rito ang paghahanda sa pagbubukas ng papalapit na school year.

“We have to pick the perfect replacement and we have to spend more money and wisely dito sa DepEd,” ani Cayetano nitong Biyernes, Hunyo 21.

“I hope any politics that is happening will not affect the opening of the school year. We have very professional people in the DepEd,” dagdag pa niya.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte noong Hunyo 19 bilang secretary ng DepEd at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na epektibo sa Hulyo 19. RNT/JGC