Mananatili sa 61 ang numerong naka-assign kay reelectionist Senator Francis 'Tol' Tolentino sa listahan ng mga senatoriables sa balota na gagamitin sa May 12 elections. Mag-iimprenta ng mga bagong balota ang Comelec matapos mag-isyu ng temporary restraining order ang Korte Suprema para maibalik ang pangalan ng ilang kandidato na nauna nang idineklara bilang ‘nuisance bets’ ng poll body.
NAKAANGKLA sa performance at matagal na pagkakakilala at pagkakaibigan ang ikakapanalo ng senatorial candidates.
Ito humigit kumulang ang mensahe ni reelectionist Senator Farancis “TOL” Tolentino sa gagawing pagpili ng electorate sa kanilang gustong Senador.
Sa pakikiharap ni TOL sa mga mamahayag at 1,100 mga mayor na opisyales at miyembro ng League of Municipalities of the Philippines, mapagkumbaba niyang inamin na ang sentimyento ng mamamayan ang mananaig sa pagpili ng ipapanalong Senador.
Pagbabatayan din aniya ang pagtulong ng mga kaibigan at kakilalang alkalde na alam ang tunay na serbisyo publiko.
“Mga kaibigan natin yang mga mayors, dati rin akong Pangulo ng League. Mga botante ang talagang pipili kaya dapat talaga magtrabaho Ang Senador. Malaki Naman tsansa natin dahil sa performance”, sabi ni Senador TOL Tolentino sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines na may temang Legacy of Leadership, Sustainable Future: Leaders Building Together for National Progress nitong February 12, sa Fiesta Pavilion.
SI TOL Tolentino ay may akda ng maraming batas na pinakikinabangan ngayon ng sambayanan kabilang dito ang 3 gives ng bayad sa meralco ng mga consumer na dumanas ng kagipitan , mga wastong ayuda at Isa pang batas na PAILAW. RNT