Home NATIONWIDE Permanenteng relokasyon sa Kanlaon bakwits target ni PBBM

Permanenteng relokasyon sa Kanlaon bakwits target ni PBBM

MANILA, Philippines – NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang long-term response plan para matiyak ang kaligtasan ng mga residene na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

“The plan includes identifying safe evacuation sites and establishing permanent relocation areas for those displaced by the disaster, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Binigyang diin ni Pangulong Marcos sa isang pulong sa Palasyo ng Malakanyang ang pangangailangan na panatilihin ang komposisyon ng binalangkas na National Task Force on Kanlaon, kasama ang Department of National Defense-Office of Civil Defense (DND-OCD) na mangunguna sa gampanin.

“We have to decide on the location of the evacuation centers. Once again, let’s coordinate very closely with the local governments,” ang sinabi ni Pangulong Marcos ayon sa kalatas ng PCO.

“They already have some proposals. Tingnan lang natin kung talagang it’s scientifically correct in terms of the choice… And then [let’s see] how we regulate the rebuilding in the different towns,” aniya pa rin.

Binigyang diin din ng Chief Executive ang kahalagahan na alisin ang mga residente mula sa danger zones at magbuo ng malaki, ligtas na evacuation centers para protektahan ang mga ito sa mga maaaring mangyari na mga pagsabog sa hinaharap.

Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang matibay na pagtutulungan ng national at local governments, na aniya’y importante para sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong lugar.

Samantala, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na ipagpatuloy lamang ang pagsuporta sa mga lokalidad. Kris Jose