Home NATIONWIDE Batas sa Alternative Education Program, tinintahan na

Batas sa Alternative Education Program, tinintahan na

MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magi-institutionalize sa expanded tertiary education equivalency and accreditation program (ETEEAP).

Sa pamamagitan ng Republic Act 12124, o ETEEAP Act, pahihintulutan ang mga Filipino, lalo na iyong mga propesyonal na nagtatrabaho na tapusin ang kanilang college education para sa pagsusulong ng career.

Ang ETEEAP ay “will identify, assess, validate, and assign equivalent undergraduate-level and special graduate programs of prior learning from formal, non-formal, and informal learning systems and relevant work experiences to qualified individuals for the grant of appropriate academic degrees.”

Ang Commission on Higher Education (CHED) ang magsisilbing pangunahing ahensiya sa pagpapatupad ng ETEEAP.

“Its functions include deputizing higher education institutions (HEIs) with academic degrees to be opened for the ETEEAP, developing standards for a diversified mode of assessing skills, values, knowledge, and levels of competence, and granting or revocation of HEIs’ authority to implement the ETEEAP,” ayon sa batas.

Inatasan din ang CHED na mag-monitor at suriin ang implementasyon ng ETEEAP sa pamamagitan ng pag-deputized ng HEIs, pag-convene sa broad-based at inter-agency consultation meetings, at pagtatakda ng standard fees at iba pang administrative charges para sa accreditation na makapag-aambag sa special account ng ETEEAP.

At upang matiyak ang epektibong implementasyon ng ETEEAP, ang Office of Programs and Standards Development (OPSD) sa ilalim ng CHED ay palalakasin upang magsilbi bilang permanent technical secretariat para magsagawa ng bagong tungkulin ng batas.

Ang mga mamamayang filipino, nakatira man sa Pilipinas o sa ibang bansa, maaaring mag-apply para sa ‘equivalency at accreditation’ kapag natugunan ng mga ito ang requirements.

Ang mga aplikante ay dapat na 23 taong gulang sa panahon ng paga-apply ng aplikasyon. Kailangan na mayroon itong kompletong secondary school program, bilang patunay ay isang high school diploma o resulta ng Philippine Educational Placement Test o Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Assessment and Certification nagsasaad na ang indibiduwal na konsernado ay kuwapilikado na makapasok sa kolehiyo.

Kailangan pa rin na mayroong hindi bababa sa limang taon ng pinagsamang ‘work experience’ sa industriya na may kinalaman sa academic degree program o discipline kung saan ang ‘equivalency of learning’ ay hinahanap. Kris Jose