MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Martes, Agosto 26 ang perpetual revocation ng lisensya ng isang baabeng driver matapos tangkaing sagasaan ang isang traffic enforcer sa Cavite.
Noong Agosto 18, pinara ng enforcer na si Michael Trajico ang driver dahil sa umano’y hit-and-run incident.
Iniulat ng DOTr na ang driver na nagsabing siya ay abogado ay hindi nakikipagtulungan at tinangka pang takbuhan ang enforcer na napatalon sa hood ng sasakyan.
Sinabi ni Trajico na nagpatuloy sa pagmamaneho ang driver habang mahigpit siyang nakahawak sa hood ng 10 hanggang 15 minuto.
“This woman, this driver, boasts that she is a lawyer… This driver even gloats about being a lawyer. If you are a lawyer, would you run over a traffic enforcer? Okay, since you are a lawyer, face all the consequences coming your way,” sabi ni Dizon. Jocelyn Tabangcura-Domenden