MANILA, Philippines – Inihain ang isang petisyon laban sa ordinansang nag-oobliga ng isang QR code sa bawat indibidwal na papasok sa Camiguin.
Ang petisyon ay pinangunahan ng negosyante sa probinsya na si Paul Rodriguez laban sa ordinansa na umiral noong Marso 2023, o kilala bilang Camiguin Smart Tourism system na pumalit sa Clean Camiguin QR Code na itinatag noong pandemya.
Sa ilalim ng ordinansa, ang mga bibisita na papasok sa probinsya ay kailangang kumuha ng QR code at obligadong ilagay ng mga ito ang kanilang pangalan, birth date, gender, civil status, nationality, address, mobile number, email address, at front-facing photograph.
Sa oras na makakuha, ang kaparehong QR code na ang gagamitin sa mga susunod na pagkakataon ng pagpasok sa probinsya.
Kailangan din itong i-scan pagdating ng probinsya.
Sinasabi ng ordinansa na layon ng Sistema na “collect, record and organize all arrivals to and departures from the province in real time determine visitor demographics and trends for tourism development and marketing purposes, and analyze carrying capacity and environmental impact.”
“To ensure a comprehensive and holistic collection, organization and analysis of data, residents shall likewise scan their QR codes upon arrival to and departure from the province,” dagdag pa.
Sa kabila nito, sinabi ni Rodriguez at ng mga petitioner na nilalabag nito ang right to privacy ng mga residente maging ang malayang paggalaw.
Ang Sistema umano ay paraan para kontrolin ang Karapatan ng mga taong bumiyahe at maging malaya lalo na sa mga kritiko, at political and business rivals ng Romualdo family na namumuno sa probinsya sa loob ng tatlong dekada.
“It just came up when Paul Rodriguez had decided to run for governor against my father (in 2025) and will file his candidacy on October,” ani Romualdo.
Itinanggi naman ni Romualdo na hindi natatapakan ang privacy ng mga tao dahil ito rin naman ang hinihingi kapag bumibiyahe ang mga pasahero. RNT/JGC