Home NATIONWIDE Barko ng BFAR pinalibutan ng 20 Chinese maritime militia vessels sa WPS

Barko ng BFAR pinalibutan ng 20 Chinese maritime militia vessels sa WPS

MANILA, Philippines – Pinalibutan ng nasa 20 barko ng Chinese maritime militia ang barko ng
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang namamahagi ng krudo at food packs sa mga mangingisda sa Iroquois Reef nitong Sabado ng umaga, Agosto 24.

Sa video, makikitang nakaikot ang mga barko ng China sa BRP Datu Romapenet.

Namataan din ang isang barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) sa layong 4 nautical miles mula sa barko ng BFAR.

Nitong Biyernes ng gabi, Agosto 23, binuntutan ng isa pang PLAN vessel na may bow number 527 ang Datu Romapenethabang patungo sa Iroquois reef.

Lumapit ito ng halos 300 metro mula sa barko ng BFAR.

Sa kabila nito ay nagpatuloy naman ang pamamahagi ng krudo at pagkain sa mga Filipino roon. RNT/JGC