Home NATIONWIDE Petisyon na nagpapawalang-bisa sa rules and regulations ng POGO, ibinasura ng Korte

Petisyon na nagpapawalang-bisa sa rules and regulations ng POGO, ibinasura ng Korte

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyun na kumukuwestyon sa ligalidad ng rules and regulation para sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na inaprubahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong 2016.

Sa SC En Banc decision, nabigo ang mga petitioner na sumunod sa doktrina ng hierarchy of courts bukod sa pagkakaroon ng technical grounds dahil hindi napag-isa ng mga petitioners ang kanilang mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng POGO.

Ang rules and regulations ng POGO ay inaprubahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na sumasakop sa pag proseso ng licensing, accreditation, at registration ng mga offshore gaming operators, offshore gaming agents, at iba pang service providers.

Sa 15-page en banc ruling, hindi pinagbigyan ang hiling ng mga petitioners na Union for National Development and Good Governance Philippines, Anti-Trapo Movement of the Philippines, Inc., at isang Atty. Jovencio Evangelista.

Bukod dito, wala din daw legal standing ang mga petitioners para ipakita na mayroon silang direkta at personal interes sa pagpapatupad ng rules and regulations o kaya ay mabigat na ebidensya na sila ay naapektuhan.

Hindi rin pinagbigyan ng SC ang hinihingi na temporary restraining order o kaya ay writ of preliminary injunction dahil hindi naman daw ito nangangailangan ng mabilis na pagtugon para mapigilan ang anumang collateral damage.

“With regard to their prayer for the issuance of a temporary restraining order (TRO) and/or writ of preliminary injunction, the Court found that petitioners failed to show that there was an invasion of a clear material and substantial right, or an urgent and paramount necessity to prevent serious damage.” Teresa Tavares

Previous articleAbando balik sa EASL
Next articleNaoya Inoue sasabak sa title fight vs Luis Nery