Home NATIONWIDE Petisyon ng isang guro laban kay Cayetano, Legarda ibinasura ng SC

Petisyon ng isang guro laban kay Cayetano, Legarda ibinasura ng SC

8
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain ng isang group laban kina Senator Alan Peter at Pia Cayetano gayundin kay Senator Loren Legarda.

Sa inilabas na press briefer sa katatapos lamang na En Bank session , sinabi ng SC na hindi pinagbigyan ang petisyon na inihain ni John Barry Tayam laban sa nabanggit na mga senador dahil sa kakulangan legal standing.

“The SC dismissed the petition filed by John Barry Tayam (Tayam) for lack of legal standing . The SC ruled that Tayam failed to show that he suffered or was at imminent risk of suffering any direct injury from the actions he challenged”, ayon sa SC.

Sa desisyon ng SC , nabigo si Tayam na patuloyan na siya ay nakaranas o nasa agarang panganib na makaranas ng anumang direktang pinsala mula sa mga aksyon na kanyang kinukwestyon .

Noong nakaraang linggo , hiniling ni Tayam  sa SC na ideklara ang presensya ng 12 senator noong June 3,2026 session ng 20th Congress bilang ‘valid quorom’. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here