Home NATIONWIDE Petisyon ni Richard Tan sa kasong isinampa sa pag-aangkat ng shabu mula...

Petisyon ni Richard Tan sa kasong isinampa sa pag-aangkat ng shabu mula China tinanggihan ng SC

104
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Korte Suprema (SC) ang petisyon ng negosyanteng si Chen Julong, kilala rin bilang Richard Tan, na ipabasura ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng pag-angkat ng shabu mula China noong 2017.

Ayon sa SC, walang nagawang malubhang pag-abuso ang Manila RTC nang tanggihan ang kanyang mosyon na ibasura ang kaso at maglabas ng warrant of arrest.

Sinabi rin ng SC na bigong maghain si Chen Julong ng motion for reconsideration, na isang kinakailangang hakbang bago magsampa ng petisyon para sa certiorari.

Tinukoy ng SC na ang pangalawang impormasyon na isinampa sa Manila RTC ay may tamang awtoridad dahil ito’y pirmado ng parehong panel ng mga piskal na nag-apruba sa resolusyon ng DOJ Task Force.

Dagdag pa rito, itinuring ng SC na hindi maituturing na forum shopping ang pagsampa ng kaso sa Manila RTC matapos itong ibasura ng Valenzuela RTC dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Sa halip, sinunod lamang ng prosekusyon ang utos ng Valenzuela RTC na dalhin ang kaso sa tamang lugar.

Ayon sa SC, mayroong prima facie case laban kay Chen Julong dahil sa mga ebidensyang nagpapakita na bilang chairperson ng Hongfei Group, siya ang tumanggap ng shipment ng mga metal cylinder na naglalaman ng droga at nag-ayos ng packing list.

Ang desisyon, na isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh, ay nailathala noong Nobyembre 2025 ngunit inilabas sa publiko noong Abril 22, 2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here