MANILA, Philippines – Tatalakayin ng Supreme Court (SC) sa En Banc session nito bukas, Pebrero 18 ang petisyon na humihiling na pilitin ang Senado na simulan na ang paglilitis sa verified impeachment complaints na inihain ng House of Representatives laban kay Vice President Sara Duterte.
Ngayong araw, ira-raffle ng SC ang petisyon na isinampa ni Atty Catalino Aldea Generillo Jr. para mabatid kung sino ang magiging justice-in-charge sa kaso.
Matapos nito ay pasok na sa agenda ng En Banc bukas ang petisyon.
Magugunita na nakasaad sa mandamus petition bi Generillo ang probisyon sa 1987 Philippine Constitution.
Iginiit ni Generillo sa kanyang petisyon na hindi matatakasan ng Senado ang tungkulin nito sa Saligang Batas na agad buuin ang impeachment court at agarang simulan ang impeachment trial ni Duterte.
Samantala, kasama rin sa inaasahan na tatalakayin bukas ng SC ang petisyon na humihirit na atasan ang Commission on Elections (Comelec) at ang automated election system provider na Miru Systems na ilantad ang mga dokumento na may kaugnayan sa 2025 midterm elections.
Kabilang sa mga petitioners ay ang Right to Know, Right Now Coalition (R2KRN), the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), Philippine Press Institute, ilang journalists at sa academics. TERESA TAVARES