MANILA, Philippines – Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema (SC) na ibasura ang petisyong naglalayong ideklarang labag sa konstitusyon ang 2025 national budget dahil sa umano’y iregularidad.
Sa kanilang 89-pahinang komento, iginiit ng OSG na may depektong pormal ang petisyon at walang sapat na batayan. Pinanindigan din nitong hindi nilalabag ng General Appropriations Act (RA 12116) ang 1987 Konstitusyon sa kabila ng kawalan ng pondo para sa PhilHealth, at sinabing hindi obligadong maglaan ng pondo para rito ang Kongreso taun-taon.
Pinabulaanan din ng OSG ang paratang na may blangkong bahagi ang bicameral conference committee report, at iginiit na kumpleto ang inaprubahang panukalang batas.
Nakatakdang dinggin ng SC ang oral arguments sa Abril 1, kung saan ipinatawag si House appropriations chairperson Stella Quimbo at ang technical working group. RNT