Home NATIONWIDE Professional fees ng mga doktor dapat sagutin ng PhilHealth- Tulfo

Professional fees ng mga doktor dapat sagutin ng PhilHealth- Tulfo

MANILA, Philippines – Maghahain si Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Erwin Tulfo ng isang panukalang batas na magsusulong na sagutin na rin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang professional fees ng mga doktor.

Ayon kay Tulfo, isa ang professional fees sa mga laging problema ng mga pasyente kaya kung maging ang bayarin na ito ay sasagutin ng Philhealth ay mas malaking tulong ito sa mga Filipino.

Giit ni Tulfo, hindi sapat na gamot at room charge lang ang sasagutin ng Philhealth lalo at mas malaki ang sinisingil sa professional fees ng mga doktor.

Sinabi pa nito na dapat kumpleto ang tulong na ibinibigay ng gobyerno lalo pagdating sa kalusugan, aniya, kung gamot at room charge lang ang ibinibigay ng Philhealth ay kulang ang tulong dahil mas malaking isipin ang professional fees.

“Kaya hindi rin mailalabas yung pasyente dahil walang pambayad sa professional fees. Ano pa ang saysay ng salary deductions sa mga sweldo ng mga mangagagawa at ang pondo na binibigay ng Kongreso taon-taon” dagdag pa nito.

Plano ni Tulfo na ihain ang nasabing panukalang batas pagbalik ng sesyon sa Kongreso sa Hunyo 2. Gail Mendoza