MANILA, Philippines – Naniniwala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na layunin lamang na iantala ng mga tinawag niyang “narco vloggers” ang isinasagawang imbestigasyon ng House Tri Committee sa inihain nitong libel case laban sa kanya at sa ilang mambabatas.
Ayon kay Barbers handa nyang harapin ang libel case gayunpaman nagtataka ito dahil wala naman amsyang binanggit na pangalan ng mga “narco vlogger” subalit siya ay kinasuhan ng libel.
Turan ng mambabatas, tila “admission of guilt” ito sa panig ng mga vlogger.
“If those who filed the libel cases against me all felt alluded to as narco-vloggers, then it could be seen or interpreted that indeed they were. Bakit kayo masasaktan kung hindi kayo guilty? pahayag ni Barbers.
Matatandaan na sa dalawang privilege speech ni Barbers sa House Plenary ay kinondena nito ang ginagawang paninira ng mga narco vloggers sa mga miyembro ng House Quadcom at Tri Committee na nagsagawa ng imbestigasyon.
“I always abide by the Constitutional provision on free speech and expression, but this cannot and should not be used as a license to besmirch people’s reputations and throw expletives at their subjects, concoct false or fake narratives and propaganda lines” paliwanag ni Barbers na naniniwalang bayaran ang mga narco vloggers na umaatake sa Kamara.
Maliban sa libel case ay matatandaan naghain na din ng petition for certiorari angi vloggers sa Korte Suprema habang ang libel case ay inihain naman ng isa sa mga complainants sa pangunguna ni Trixie Cruz-Angeles sa Quezon City Prosecutors Office.
“Malinaw dito na gusto nilang gamitin ang mga korte na fodder o panangga sa kanilang pagpapa-kalat ng kasinungalingan at paninirang puri ng mga tao na kontra o di umaayon sa kanilang mga politikal na adhikain,” giit pa nito.
Sinabi pa ni Barbers na handa sya sa mga puna at batikos kung hindi nila nagagawa ng maayos ang kanilang trabaho subalit mali na murahin ang mga mambabatas.
“Pag mumurahin o babastusin nyo na kami ng walang malinaw na dahilan at deliberate na di kukunin ang aming panig sa isyu sa inyong pagba-vlog, ibang usapan na yun,” dagdag pa nito.
Hinimok din nito ang publiko na mag fact check at huwag agad naniniwala sa mga vlog content sa social media.
Ang House Tri Committee na kinabibilangan ng House Commitee on Public Order and Safety; Public Information at Communications and Technology ay nagsasagawa ng imbestigasyon ukolmsa kumakalat na disinformation at fake news. Gail Mendoza