Home NATIONWIDE PBBM sa LGUs: Health at nutrition initiatives isama sa investment plans

PBBM sa LGUs: Health at nutrition initiatives isama sa investment plans

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) na isama sa kanilang annual investment plan ang ‘health at nutritional initiatives.’

Binigyang diin ni Pangulong Marcos sa mga LGU’s ang mahalagang papel sa pagtugon sa malnutrisyon sa bansa.

“It is essential that adequate health and nutrition interventions are integrated into the annual investment plan of each local government unit,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa 2024 National Nutrition Awarding Ceremony at the Crowne Plaza Manila Galleria sa Ortigas Center, Quezon City.

“Investing in human capital is the key to securing our nation’s future. Therefore, let us intensify our commitment of breaking the cycle of intergenerational malnutrition by looking after the welfare of our people, especially pregnant women, mothers, and their children,” dagdag na wika nito.

Inatasan din ng Pangulo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyakin na kaama ang healthcare at nutrisyon bilang priority indicators sa Seal of Good Local Governance.

Nagpalabas ng direktiba si Pangulong Marcos kasunod ng kanyang “in-depth” discussion kasama ang DILG, araw ng Martes hinggil sa kahalagahan ng pagtugon sa pagkabansot at nutritional issues para palakasin ang foundation ng mga kabataang filipino at pahintulutan ang mga ito na maging matagumpay sa edukasyon at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Ayon sa Pangulo, ang malnutrisyon at pagkabansot ay nagsisimula sa murang edad at “very difficult to reverse, if actually possible.”

“The national government is not alone in this fight. Through the support and corresponding efforts of our local governments and their chief executives, we can achieve more and cover more ground in this fight that we have started,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sa nasabing event, kinilala naman ni Pangulong Marcos ang high-performing LGUs at local nutrition focal points (LNFP) na may outstanding nutrition program management practices.

Pinangunahan ng National Nutrition Council simula pa noong 1978, ang mga LGU awardees ay in- assessed base sa kung paano sila tumupad sa mga polisiya, maglaan ng bufget, magpatupad, at panatilihin ang epektibong nutrition programs.

Ang LNFP awardees ay binubuo ng LGU workers na nangangasiwa sa koodinasyon at pamamahala ng nutrition programs, kung saan sinusuri base sa kanilang kakayahan na makipag-ugnayan, mangasiwa at itaguyod ang nutrition initiatives.

Samantala, ang LNFP ay naging bahagi ng National Nutrition Awarding Ceremony noong 2021 dahil sa naging pamahalagang papel nito sa pagpapahusay sa nutrisyon sa kani-kanilang lugar. Kris Jose