Home NATIONWIDE Petisyon vs Smartmatic na ‘wag isali sa bidding sa 2025 election, diringgin...

Petisyon vs Smartmatic na ‘wag isali sa bidding sa 2025 election, diringgin ng Comelec

MANILA, Philippines – Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang pagdinig sa petisyon para idiskwalipika ang Smartmatic sa Procurement ng mga vote counting machine sa 2025 election.

Inihain ang petition for disqualification laban sa Smartmatic ng grupo nina dating Comelec Commissioner Augusto Lagman.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nais nilang dinggin ang naturang petisyon upang agad makapagpalabas ng desisyon bago ang bidding ng mga bagong makina sa susunod na taon.

Ayon sa petitioner, dapat hindi payagan na makilahok sa gagawing bidding ang Smartmatic dahil sa pagdiududa sa integridad sa mga nagdaang halalan.

Ang naturang kaso ay inihain ng mga Petitioners noong Hunyo 15, 2023.

Bilang bahagi ng due process ay bibigyang utos ng en banc ang Respondent Smartmatic na mag komento sa naturang petisyon at isumite ito sa Comelec sa pamamagitan ng Clerk of the Commission bago ang pagdinig na itinakda sa susunod na linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden