Home NATIONWIDE Petition for review na inihain ng dating opisyal ng PS-DBM ibinasura ng...

Petition for review na inihain ng dating opisyal ng PS-DBM ibinasura ng CA sa kaso ng Pharmally

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petition for review na inihain ng dating opisyal ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa Pharmally Pharmaceutical Corp. scandal dahil sa procedural issues.

Tinanggihan ng CA ang petisyon na inihain ni Christine Marie Suntay, dating PS-DBM director, na kumikwestyon sa desisyon at kautusan ng Ombudsman noong 2023, kung saan idineklara siyang guilty sa gross neglect of duty at conduct prejudicial sa best interest ng serbisyo.

Ayon sa appellate court, nagkamali si Suntay nang ilagay niya ang Ombudsman bilang respondent ng kanyang petisyon.

Sinabi ng korte na dapat ay ang “real parties in interest” ang isinama ni Suntay, o si dating Senador Richard Gordon at Senador Risa Hontiveros, na naghain ng reklamo laban sa kanya at iba pang mga opisyal sa Ombudsman. RNT/JGC

Previous articlePastoral visitation sa 74 na parokya ng Diocese of Novaliches, isasagawa
Next article22 convicts ginawaran ni PBBM ng executive clemency