Home NATIONWIDE PGH rehab project 30% nang kumpleto – DPWH

PGH rehab project 30% nang kumpleto – DPWH

1
0
Rehabilitasyon ng PGH ininspeksyon ni DizonMuling binisita ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Vince Dizon ang Phillipine General Hospital (PGH) sa Maynila nitong Miyerkules, Septyembre 30.Ito ay para suriin ang pagkukumpuni ng mga drainage at rehabilitasyon ng gusali kasabay ng pag-inspeksyon din ng ilang pasilidad ng ospital. ERIC OCAPAN

MANILA, Philippines – Mabilis na umusad ang rehabilitasyon ng UP Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue matapos matengga nang halos isa’t kalahating taon.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, target matapos ngayong taon ang mga drainage project sa ospital, habang ang iba pang rehabilitasyon at konstruksyon ay inaasahang makukumpleto sa unang quarter ng 2027.

Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan
Photo by Eric Ocapan

Ito ang inihayag ni Sec. Dizon matapos ang panibagong inspeksyon sa PGH ngayong araw, Setyembre 30, kasunod ng inspeksyon noong Hunyo kung saan nadiskubreng napabayaan ang mga proyekto.

Ayon sa kalihim, nasa 2% lamang ang natapos ng dating contractor noon, pero matapos ang tatlong buwang mabilis na aksyon, umakyat na sa 30% ang overall accomplishment rate.

Matatandaang sinimulan noong Disyembre 2024 ang rehab project na may pondong mahigit ₱600 milyon at dapat matapos sana noong Hunyo 15, 2026.

Hawak ito ng contractor na Edison Development and Construction Inc. at FS Co Builders and Supply, na iniuugnay bilang partner ng kapatid ng puganteng si dating Congressman Zaldy Co. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here