MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nagpapatuloy ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa mga envoy mula Pakistan at India upang matiyak ang pangako na mag-suplay sa Pilipinas ng dalawang milyong metric tons (MT) ng bigas.
Sinabi ni Agriculture Secretary Tiu Laurel na nakipagpulong siya kay Pakistani Ambassador Imtiaz Ahmad Kazi para isapinal ang kasunduan kung saan maglalaan ang Pakistan sa Pilipinas ng hanggang isang milyong MT ng bigas taon-taon.
Kaparehong kasunduan din ang tinalakay ni Laurel kay Indian Ambassador Shri Harsh Kumar Jain.
“The intention is to create a level playing field among our rice supplying nations,” ayon kay Laurel sa isang kalatas sabay sabing, “We want them to compete for our market.”
Ang Vietnam, kasalukuyang ‘top rice supplier’ ng bansa, naunang lumagda ng Memorandum of Understanding sa Pilipinas para sa five-year trade commitment para mag-suplay ng puting bigas sa pribadong sektor na aabot sa 1.5 million hanggang 2 million MT kada taon sa isang ‘competitive at affordable price.’
“Secretary Tiu Laurel said intercity rice traders have pledged to begin selling rice at P40 per kilo through the ‘KADIWA ng Pangulo’ program, helping the DA achieve its target of expanding KADIWA kiosks selling affordable rice in public markets and public transport stations to 300 locations by mid-January,” ayon sa DA.
Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon nagpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos jr., ng Executive Order No 50, nagpapalawig sa temporary modification ng rates ng import duty sa bigas, mais at mga produktong karne hanggang Disyembre 2024 upang masiguro ang abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin. Kris Jose