Home NATIONWIDE PH bukas sa law-abiding POGOs – Romualdez

PH bukas sa law-abiding POGOs – Romualdez

MANILA, Philippines – Hindi magkakaroon ng problema sa pagnenegosyo sa bansa ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na susunod sa batas ng Pilipinas, ito ang sinabi ni Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Ang posisyon ni Romualdez ay kasabay ng sunod-sunod na mga raid sa POGO hubs na ginagamit bilang scam at human trafficking sites sa Tarlac at Pampanga.

“For me, what’s important is that all our (POGO) stakeholders must follow the rule of law. And for those who will violate our laws, then I must say you’ll be sorry because our law enforcers will definitely be going after you. We will implement our law to the fullest,” aniya.

“If they are doing everything illegal, then they will really be arrested. But if they will just be law-abiders, then I don’t think we will have any problems,” dagdag pa nito.

Sinagot din ni Romualdez ang mga panawagan na ipagbawal na ang POGOs, sa pagsasabing isa ring option ang pagbabawal ngunit hindi nangangahulugang ito lamang ang tanging paraan.

“We’re open to hearing all issues concerning the POGO. We have a process for that (banning POGOs), we have to go through that process where hearings will be held and we have to hear the concerns of all our stakeholders, what is their position,” sinabi ni Romualdez.

“And from there, we will be weighing our options on what to do best with them,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na mayroong nasa 300 illegal POGOs ang tumatakbo sa Pilipinas. RNT/JGC