Home NATIONWIDE Konstruksyon ng New Senate Building sa Taguig, magpapatuloy

Konstruksyon ng New Senate Building sa Taguig, magpapatuloy

MANILA, Philippines – Hindi sinuspinde ang konstruksyon ng bagong Senate building sa Taguig City sa kabila ng kautusan mula kay Senate President Francis Escudero na naunang nagpahayag ng pagkabahala sa lumulobong gastos dito, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Si Cayetano ang inatasan ni Escudero na suriin ang proyekto bilang bagong chair ng Senate committee on accounts, kung saan magpapatuloy ang Phases 1 at 2 ng konstruksyon habang sinisilip nila ang multibilyong pisong kontrata.

Sakop ng unang dalawang bahagi ng proyekto ang “core and shell” ng main structure ng 11-story, four-tower edifice na itinatayo sa 18,000-square-meter property sa Philippine Navy Village sa Taguig City.

Ang bagong Senate office na inaprubahan ng mga senador sa 17th Congress, ay may initial allotment na P8.9 bilyon.

Nitong Lunes, nabigla si Escudero nang malaman na ang price tag para sa buong gusali ay lumobo sa P23.3 bilyon, dahilan para ipag-utos niya ang pagpapatigil sa proyekto at pagsusuri rito.

“The Phase 1 and Phase 2 have been bidded out and are already ongoing. The construction for that may proceed while we are conducting a review,” ayon kay Cayetano.

“There’s no conflict there,” sinabi pa nito.

“So we’re just looking at the documentation. We’re looking at the ‘whys and whats.’ But the construction will continue so that there will be no delays.”

Paliwanag ni Cayetano, ang sinuspinde ay ang bidding para sa susunod na phase ng proyekto, kung saan inilaan ang P10.3 bilyong badyet para rito sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

“Nothing in this phase is awarded and is up for bidding,” sinabi ni Escudero sa liham na may petsang Hunyo 7.

Ayon kay Cayetano, nais lamang ni Escudero na masiguro ang maayos na paggastos para sa bagong gusali ng Senado.

“Let’s say P10 billion was set aside for the new Senate building. Can we use that? If that’s in the budget, we could. But should we spend that?” anang senador.

“We should not only be talking about what’s legal, but also what’s moral [and] what’s correct,” dagdag pa nito.

Nagbabala naman si Senador Nancy Binay, na naunang nangasiwa sa proyekto bilang chair of the accounts committee noong 2022, na mas tataas lamang ang gastos kung ihihinto ang konstruksyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Cayetano na ang kautusan ni Escudero ay hindi magdudulot ng pagkaantala dahil aalamin lamang sa pagsusuri kung ang “amounts and the things we will buy are appropriate, and if the construction is also proper.”

“We are more than willing to listen to everyone.”

Sa liham na ipinadala kay Escudero, sinabi ni Cayetano na nakita sa initial assessment ng Senate Coordination Team (SCT) na ang DPWH at private contractor ng proyekto na Hilmarc’s Construction Corp., ay nagkaroon ng mga “variations, deviations and modifications.”

Hindi lamang nito pinatagal ang pagkumpleto sa gusali ngunit nagdagdag pa ng mga gastusin.

“It was observed that DPWH had procured items not yet for implementation or in the inverse, it had not yet procured items [that] are already needed for implementation of the project,” sinabi ni Cayetano. RNT/JGC