Home NATIONWIDE POGO tinawag na banta sa bansa ni Teodoro

POGO tinawag na banta sa bansa ni Teodoro

MANILA, Philippines – Tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro nitong Miyerkules, Hunyo 12 ang Chinese-operated Philippine offshore gaming operators (Pogos) businesses sa bansa bilang banta sa seguridad ng bansa.

Sa sidelines ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, sinabi ni Teodoro na ang mga POGO “weaken our political, economic, social, and peace and order fabric.”

Aniya, “the most effective way to weaken your enemy is to cause trouble in his country.”

“So we are carefully studying and the government is working together to stop these activities. They do not have the right to do those activities here,” dagdag pa ng opisyal.

Ang pahayag na ito ni Teodoro ay kasunod ng pagkakadiskubre ng mga awtoridad sa mga umano’y uniporme ng Chinese military na nakuha sa raid na isinagawa sa POGO complex sa Porac, Pampanga noong Hunyo 4.

Kamakailan ay sinabi ng Armed Forces of the Philippines na ang mga uniporme ay posibleng ginagamit bilang props para sa mga illegal na online transactions.

Sa selebrasyon ng National Day ng Sweden noong nakaraang linggo, sinabi ni Teodoro na ang mga criminal syndicate na nagpapanggap bilang POGO ay maituturing na national security concerns.

“The concern is that we should stop these syndicated criminal activities operating out of our base, which weaken our financial standing, our country ratings, [and] corrupt our society,” pagbabahagi ni Teodoro. RNT/JGC