Home NATIONWIDE Absolute divorce bill naipadala na sa Senado

Absolute divorce bill naipadala na sa Senado

MANILA, Philippines – Tatlong linggo makaraang makapasa sa ikatlong pagbasa, naipadala na sa Senado ang absolute divorce bill, ayon sa principal author nitong si Albay Rep. Edcel Lagman.

Ipinakita ni Lagman ang kopya ng liham ni House secretary general Reginald Velasco kay Senate President Francis Escudero na humihiling sa concurrence ng Senado sa House Bill No. 9349, o “An Act Reinstituting Absolute Divorce as an Alternative Mode for the Dissolution of Marriage,” na naipasa sa huling pagbasa noong Mayo 22.

Kung maisasabatas, ibabalik nito ang diborsyo sa bansa at mag-aalok sa mga mag-asawa ng “fourth mode” sa pagpapawalang-bisa ng “irreparably broken or dysfunctional marriages” batay sa mga limitadong salik.

Ang tatlo iba pa ay pinapayagan sa ilalim ng Famile Code ay ang canonical dissolution, annulment at legal separation. RNT/JGC