Home NATIONWIDE Nasa 250 POGOs sangkot sa krimen sa bansa – PAGCOR

Nasa 250 POGOs sangkot sa krimen sa bansa – PAGCOR

MANILA, Philippines – Nasa 250 Philippine offshore gaming operators (POGOs) ang nag-ooperate nang walang kaukulang lisensya at maaaring sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen.

Ito ang sinabi ng PAGCOR nitong Huwebes, Hubyo 13, kung saan kabilang sa mga hindi lisensyadong POGOs ay ang POGO hub sa Porac, Pampanga kung saan nadiskubre rito ang hinihinalang mga illegal na droga, Chinese army uniforms, at mga ebidensya ng torture at scam operations.

“Ang problema po talaga, hindi yung mga licensees ng Pagcor, kundi yung humigit kumulang siguro 250 dyan na mga hindi na napagkalooban ng lisensya muli ay patuloy pa rin ang kanilang paghahanapbuhay na ilegal,” pagbabahagi ni Chairman at CEO Alejandro Tengco sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

“They’re involved not in gaming activities, but puro po criminal activities,” dagdag pa ni Tengco.

“What we need to do is intensify anti-crime operations against suspected alien hackers, against scammers and cyber-criminals who are usually hiding in highly secured buildings and compounds,” pagpapatuloy niya.

Tanging 46 POGOs ang lisensyado at nag-rebrand bilang “internet gaming licensees” o IGLs.

Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Metro Manila.

“Wala pong licensed POGO hub na katabi ng any military camp… Maliwanag po yan ilegal na naman yung sinasabing hubs na nakadikit sa military hubs,” ani Tengco.

Kamakailan ay mayroong 3 licensed POGOs ang sinuspinde.

“Yung tatlo po naramdaman namin na mayroon ding gawaing hindi nauukol sa…ilalim ng mga bagong regulasyon ng Pagcor,” aniya. RNT/JGC