Home TOP STORIES Direktiba sa ‘Bagong Pilipinas’ hymn dapat linawin – solon

Direktiba sa ‘Bagong Pilipinas’ hymn dapat linawin – solon

(c) Our Lady of the Lake School Inc. FB Page

Iginiit ni Senate Pro-Tempore Senador Francis Tolentino na dapat na magkaroon ng kalinawan ang direktiba ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na isama sa linguhang Flag Ceremony ang Bagong Pilipinas Pledge o Hym.

Magugunita na nag atas kamakailan ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na base sa kanyang inilabas na Memorandum Circular no. 52 na nag-aatas sa mga tanggapan ng gobyerno na isama ang pledge at himno ng ‘Bagong Pilipinas’ sa lingguhang flag ceremonies ay nalalapat din sa lehislatura at hudikatura.

Ang Memorandum Circular No. 52, na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Hunyo 4, ay nag-uutos sa lahat ng ahensya at instrumentalidad ng gobyerno, kabilang ang mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng gobyerno, mga unibersidad ng estado, at mga kolehiyo, na gamitin ang kampanyang Bagong Pilipinas.

Naniniwala si Tolentino na ang pagpasa ng isang batas ay makakatulong sa pagsagot sa mga tanong na itinaas sa memorandum circular.

Aniya mas maganda kung isabatas ito para mabigyang linaw kung naaangkop ba ang circular sa lahat ng tatlong sangay ng gobyerno.

Ang ilang mga abogado ay nagsasabing ang direktiba ng Malacanang ay sumasalungat sa umiiral na Republic Act 8491, o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines. RNT