MANILA, Philippines- Nasa huling yugto na ang Canada at ang Pilipinas ng negosasyon sa kasunduan upang bigyang-daan pag-deploy ng mga sundalo sa kanya-kanyang bansa, ayon sa Canadian envoy sa Manila nitong Linggo.
Mayroong katulad na Manila visiting forces agreements ang Manil sa United States at Japan at nakikipag-usap din sa France at New Zealand sa gitna ng tumitinding agresyon ng China sa South China Sea.
“We are in the final stages of negotiating the agreement which will enable us to have deeper cooperation and more substantive participation in training to build capacity,” pahayag ni Canada’s ambassador to Manila, David Hartman.
“We are hopeful that the signing and ratification of the agreement by both governments can be expected before the end of 2025,” dagdag niya.
Ngsagawa ng diskusyon ang Canadian officials sa counterparts nito mula sa Philippine defense at foreign departments, aniya.
Ani Hartman, bibigyang-daan ng kasunduan ang future participation ng Canadian troops sa large-scale joint military exercises na isinasagawa kada taon ng Pilipinas at ng United States.
Nakibahagi ang Canadian navy sa mga nakalipas na buwan sa ilang pagpapatrolya sa South China Sea kasama ang US, Australia, ang Pilipinas at Japan upang igiit ang freedom of navigation and flights sa strategic waterway na halos inaangkin ng Beijing ang kabuuan. RNT/SA