MANILA, Philippines- Nagharap ang Pilipinas at China nitong Biyernes malapit sa Panata Island sa West Philippine Sea.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, natukoy ng BRP Andres Bonifacio ang isang Jiangkai class frigate (bow number 525) at dalawang militia vessels bago sumapit ang alas-8 ng umaga habang nagsasagawa ng maritime patrol.
Nag-isyu ang Philippine Navy vessel ng radio challenge na hindi agad tinugunan ng panig ng China.
“We conducted the standard radio challenge within the territorial waters of Panata Island. They counter-challenged, and we counter-challenged that Panata Island and KIG (Kalayaan Island Group) are part of the Philippines. Once we issued our radio challenge, they immediately changed their course, going to Subi Reef,” paglalahad ni BRP Andres Bonifacio commanding officer Lieutenant Commander Christian Malabanan.
“One action of the tactical units, which is kami po, is we’ll escalate or de-escalate a certain situation. So, kung ano po yung binigay sa amin ng ROE (rules of engagement), stick po kami doon, and if ano yung general [instruction] ng government natin, yung po yung sinusunod namin. Although yung pressure na dyan, sir… We are trained to have a decision na mag-conduct ng in-line to avoid any action na magiging detrimental naman po sa government namin,” dagdag niya.
Patuloy ang tensyon sa pag-angkin ng Beijing sa malaking bahagi ng South China Sea, kabilang ang mga parteng saklaw ng exclusive economic zone ng Manila.
Noong 2016, kinatigan ng international arbitration tribunal sa the Hague ang Pilipinas kaysa sa claims ng China, subalit patuloy na hindi kinikilala ng Beijing ang desisyon. RNT/SA