MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang awtoridad na tukuyin ang mga pinoy na nangangailangan ng tulong at apektado ng malawak na wildfires na tumama sa katimugang bahagi ng California.
“Yes, he directed our consulate in Los Angeles to work with local authorities in identifying Filipino nationals in need of assistance,” ang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa isang panayam.
Ayon naman kay Philippine Consul General in Los Angeles Adelio Angelito Cruz, tinatayang nasa 200 pinoy sa Los angeles, California ang nawalan ng tahanan sa gitna ng malawak na wildfires na nanalasa sa nasabing lugar.
Sinabi ni Cruz na maaari pang tumaas ang bilang ng mga apektadong pinoy sa mga darating na araw.
Ginarantiya naman nito na ang mga apektadong filipino ay ililipat sa evacuation centers sa lungsod kung saan ligtas ang lahat.
Nauna rito, nagpaabot ng pakikisimpatiya si Pangulong Marcos sa mga naapektuhan ng mapaminsalang wildfires sa Southern California sa Amerika kung saan maraming mga kabahayan ang naabo.
Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ng Pangulo na maraming mga Pilipino ang nakatira sa lugar na naging pangalawang tahanan ng mga ito.
βOn behalf of the Filipino people, I extend my deepest sympathies to all who have been affected by the devastating wildfires in Southern California, USA β a place that many of our kababayans call home,β ang winika ng Punong Ehekutibo.
Batay sa ulat, libo-libong mga Pilipino ang lumikas sa lugar upang makaiwas sa mabilis na pagkalat ng apoy kung saan maging ang mga bahay ng Hollywood celebrities ay naabo sa wildfire at mayroon na ring naiulat na mga nasawi. Kris Jose