ILAGAN CITY Isabela – Nakikipaglaban kay kamatayan ngayon dahil sa kritikal na kondisyon ang isang lalaki matapos barilin sa ulo ng kanyang utak pulbura na Punong Barangay sa Brgy. Sta Isabel Sur, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Reynaldo Terrenal, residente ng Sta. Isabel Sur habang ang suspek ay kinilalang si Joseph Uy Jr, Punong Barangay ng nabanggit na lugar.
Bago ang insidente ay nag-inuman ang suspek at ang biktima kasama ang dalawa pang lalaki.
Habang nasa kalagitnaan umano sila ng inuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang biktima dahilan upang mairita ang suspek at umalis sa inuman.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik ang suspek na mayroong dala na long riffle at bigla na lamang binaril ang biktima sa ulo ng isang beses at dali-daling tumakas sa hindi pa matukoy na direksyon.
Ito umano ang unang pagkakataon na nasangkot umano sa gulo ang nasabing barangay opisyal.
Nahimasmasan sa kalasingan kung kayat kaninang 9:30 ng umaga ay boluntaryong sumuko ang suspek sa pulisya para sa kaukulqng dukomentasyon at tamang disposisyon. REY VELASCO