Home NATIONWIDE PH, Denmark pumirma ng kasunduan sa pagkuha ng Pinoy caregivers

PH, Denmark pumirma ng kasunduan sa pagkuha ng Pinoy caregivers

294
0

MANILA, Philippines – Target ng pamahalaan ng Denmark na magbukas ng mga trabaho para sa caregiver sa 100 Filipino kada taon para punan ang workforce sa elderly care sector.

Nitong Huwebes, Disyembre 11 ay pumirma ng kasunduan sina Danish Minister for Senior Citizens Mette Kierkgaard at Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac para sa government-to-government initiative na nakatakdang simulan sa susunod na taon.

Si Kierkgaard, na bumisita sa Pilipinas ngayong linggo, ay nagsabing ang mga manggagawang Filipino ay hindi makararanas ng diskriminasyon sa trabaho dahil ang kanilang mga sahod at benepisyo ay kapareho ng kanilang Danish counterparts.

“Filipinos will be employed under the same conditions as their Danish colleagues. You know, working hours, wages and so on. It has been very, very important to have the commitment of the labor union,” aniya.

Sa kabila nito, ang actual on-job deployment ng Filipino caregivers ay maaaring magsimula sa 2027 dahil kailangan muna nitong sumailalim sa “receiving program,” kabilang ang pagkatuto ng formal Danish language.

Mula sa inisyal na 100 Filipino worker, maaari pang kumuha ng mas marami kapag nakitang ang programa ay nagbibigay ng malaking benepisyo sa dalawang bansa.

Sisiguruhin naman ni Cacdac na maglalagay ng safeguards upang masigurong hindi makakapasok ang mga illegal recruiter. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here