MANILA, Philippines- Binalaan ng Philippine Embassy sa India ang mga Pilipino laban sa scam na investment opportunities, na nangangako ng malaking tubo sa loob ng maiksing panahon.
Sa abiso, iginiit ng Emabahada na ang ganitong uri ng “too good to be true” schemes ay ilegal, at maaaring tumangay sa pinaghirapang pera ng mga Pinoy.
Kaya naman, nagpaalala ang Embahada sa mga Pilipino na beripikahin muna ang credentials ng entity, at kumonsulta sa mga awtoridad o kilalang financial advisors upang maiwasang mabiktima.
“Do not be deceived. Be smart. Safeguard your hard-earned savings,” anang embahada.
Hinikayat din nito ang mga Pilipino na iulat sa mga lokal na awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad. RNT/SA