Home NATIONWIDE PH gov’t handang magbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga magsasaka sa gitna...

PH gov’t handang magbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga magsasaka sa gitna ng El Niño

MANILA, Philippines- Maaaring magbigay ang gobyerno ng alternatibong livelihood assistance sa mga magsasaka kasama ang “irrecoverable” agricultural land dahil sa epekto ng El Niño.

Ito ang sinabi ng coordinating body na inatasan na pagaanin ang epekto ng nasabing phenomenon.

Ayon kay Task Force El Niño spokesperson and Communications Assistant Secretary Joey Villarama, handa ang pamahalaan na magbigay ng agarang tulong sa mga magsasaka na magiging pasanin ang bigat ng weather phenomenon.

“Kung napinsala ‘yung lupa, let’s see if we can still replant the same crop. Pero kung hindi, magbigay tayo ng alternative crop,” ayon kay Villarama sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon Program.

“Doon po talaga sa hindi na salvageable, hindi na recoverable at hindi na puwedeng magamit iyong lupa, puwede naman po tayong magbigay ng alternative forms of livelihood. I understand, nakapagbigay po tayo ng domestic animals sa mga farmers like kambing, itik, native chicken para po ‘yung ang pansamantalang alagaan nila,” dagdag na wika nito.

Ani Villarama, ang mga apektadong magsasaka ay makatatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan.

Inamin nito na hindi magiging kampante ang gobyerno sa gitna ng banta ng El Niño phenomenon, idagdag pa na kakailanganin ang “scientific” approach para matiyak na ang bansa ay may sapat na tubig, enerhiya at food supply.

Binigyang-diin din ni Villarama ang pangangailangan na i- monitor ang mga lolo’t lola at ang mga kabataan na makararanas ng heat stroke at skin diseases na may kaugnay an sa matinding init.

Ito’y bunsod na rin ng kanyang babala na ang “strong and mature” El Niño na nararanasan ngayon ng bansa ay tatagal hanggang buwan ng Mayo ngayong taon.

“Fourteen of 41 provinces currently affected by El Niño are experiencing drought, 10 are under dry spell, and 17 are experiencing dry conditions,” ayon kay Villarama. Kris Jose

Previous articleProtection order pabor sa 2 aktibista pinababawi sa SC
Next articleEstudyante kalaboso sa pagbebenta ng wildlife species!