Home NATIONWIDE PH gov’t handang maghatid ng impormasyon sa panahon ng kalamidad – PCO

PH gov’t handang maghatid ng impormasyon sa panahon ng kalamidad – PCO

MANILA, Philippines- Handa ang gobyerno na maghatid ng impormasyon sa publiko sa panahon ng kalamidad, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sinabi ni People’s Television Network, Inc. General Manager Analisa Puod na ang state-run TV station ay isa sa entities na may atas na i-digitalize ang broadcasting at communications para sa national government.

Ayon kay Puod, ang ‘early warning broadcast system’ (EWBS) ay isa sa mga paraan para i-transmit ang impormasyon, tiyakin na ang isa sa mga prayoridad ng administrasyong Marcos ay naka-prepara o nakahanda para sa nationwide scope.

“Right now, kapag may lindol, bigla pong tutunog ‘yung mga telepono natin. Tunog lang po siya nang tunog hanggang pansinin mo siya.So,’yung EWBS po na ‘yun pine-perfect ngayon under this digitalization,” ayon kay Puod sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media sa Senado.

Nagpahayag naman ng kanyang pagkabahala si Senador Robinhood Padilla, chairman ng Komite sa kahandaan ng national government sa pag-alerto sa publiko sa panahon ng posibleng malawakang “power at communication blackout” kapag ang natural o man-made calamities ay umatake.

“So, baka po sa panahon ng giyera magagamit na rin po ‘yun ng pamahalaan kasi ngayon nakatuon po ‘yun para gamitin dun sa bagyo, lindol, at sa iba pong natural calamities,” dagdag na pahayag ni Puod sabay sabing ang EWBS ay “not dependent on electricity, television or radio frequencies and uses a different technology in transmitting information to a wider scope of the populace.”

Samantala, ibinahagi naman ni PCO Assistant Secretary Michael Andre Del Rosario sa panel na ang isa sa mga proyekto ng ahensya ay tinatawag na Bagong Pilipinas Digibox.

“I recall that PCO has a shift to digital na program wherein we will actually provide digiboxes to align with the digitalizationnga na sinasabi po niGM Ana Puodna matagal na rin po sanang programa ni Presidente ,” wika ni Del Rosario.

Kapag nakakonekta aniya sa TV, ang digibox ay nagbibigay-daan sa mga user na makatanggap ng digital satellite broadcasts.

Samantala, pauna nang namahagi ang PCO ng libreng 1,000 units ng digibox sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Enero 28.

Sa kahalintulad na event, inanunsyo ni PCO Secretary Cheloy Garafil na marami pa silang ipamamahaging digibox unit ngayong taon.

Maliban sa maraming channels at malinaw na reception, ang digibox ay may karagdagang ‘features’ gaya ng ‘early warning device channel.’ Kris Jose