Home NATIONWIDE PH gov’t nagtalaga ng abogado para sa 3 Pinoy sa Tsina na...

PH gov’t nagtalaga ng abogado para sa 3 Pinoy sa Tsina na dinakip sa ‘pag-eespiya’

MANILA, Philippines- Naghihintay ng permisong makabisita ang isang local lawyer, kinuha upang maging kinatawan ng mga Pilipinong nakaditine sa China dahil sa umano’y espionage, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes.

“There’s a local lawyer taking on their case funded by the DFA Legal Assistance Fund and we’re strongly requesting the Chinese authorities at least to allow (the lawyer) to see them in their detention in Hainan,” wika ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega.

Kinilala ni De Vega na mahigpit ang Chinese justice system at kinakailangan ng permiso mula sa provincial governor ng Hainan.

“So we’re working on that. For more details, we can get it from what the Office of the President and what the NSC (National Security Council) has said — we deny that there was espionage,” pahayag ng opisyal.

Ang tatlong naarestong Pilipino ay dating recipients ng Hainan Government Scholarship Program na itinatag sa ilalim ng sisterhood agreement sa pagitan ng mga lalawigan ng Hainan at Palawan, na nagbigay ng scholarships sa 50 scholars mula sa Palawan sa Hainan National University.

Gayundin, sinabi ng NSC na nagtungo sila sa China para mag-aral sa imbitasyon lamang ng Chinese government.

Nauna nang sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ang tatlo ay kapwa mga ordinaryong mamamayang Pilipino na walang military training. RNT/SA