Home NATIONWIDE PH, Indonesia sanib-pwersa sa pagmonitor ng galaw ni Alice Guo

PH, Indonesia sanib-pwersa sa pagmonitor ng galaw ni Alice Guo

MANILA, Philippines – Nagtutulungan na ang mga awtoridad ng Pilipinas at Indonesia para limitahan ang magiging galaw ng dismissed Bamban, Tarlac mayor na si Alice Guo.

Sa ulat, sinabi na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay nakikipag-usap na sa kanilang Indonesian counterparts at batay sa kanilang diskusyon, pinaniniwalaang si Guo ay nasa Batam City pa rin.

“Minamadali po natin yung tinatawag nating Blue Notice para mabantayan po siya ng 24/7,” ani PAOCC spokesperson Winston Casio.

“But then again, nangako po ang ating mga counterparts na their doing their best na ma-secure lamang siya sa isang limited na lugar.”

May kaparehong impormasyon sina Senator Sherwin Gatchalian at Bureau of Immigration.

“Naniniwala ako yung sangay ng enforcement agencies ng Indonesia ay nakaalerto na. Kaya mahihiraapan na siya gumalaw dito sa Southeast Asia,” ani Gatchalian.

“Base raw sa pakikipag ugnayan nila sa Indonesian counterparts, wala pa raw attempt na tumawid ng border si Guo mula August 18 na dumating siya roon,” batay sa kumpirmasyon ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval.

Samantala, nakatanggap ng impormasyon ang PAOCC na sinubukan ng kapatid ni Alice Guo na si Wesley, na lumipad pa-Hong Kong nitong Lunes, Agosto 26.

“So inaalam pa po natin sa counterparts natin sa Administrative Region of Hong Kong kung nakalipad nga po siya at nakapasok doon sa kanilang territory. Inaantay lang po natin yung update,” ani Casio. RNT/JGC