MANILA, Philippines – GINAGAWA ng administrasyong Marcos ang lahat ng makakaya nito para pabilisin ang infrastructure development sa bansa.
Sa Palace press briefing, sinabi ni Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na dodoblehin ng administrasyong Marcos ang pagsisikap nito para tugunan ang ‘gaps’ o patlang o agwat sa transport systems sa bansa.
“Well, in general, ang gobyerno ay hindi naman kikilos nang kulang-kulang. May mga pagkakataon siguro may mga factors na may nadi-delay,” ang sinabi ni Castro.
“But we will definitely do our best to fulfill all our work and what we promised the people,” aniya pa rin.
Ito’y matapos na iulat ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang Pilipinas ay nananatiling napag-iiwanan ng Southeast Asian neighbors nito pagdating sa pagpapahusay sa transport infrastructure.
Sa kabilang dako, base sa natuklasan sa naging pag-aaral ng PIDS, na ang Pilipinas ay “continues to fall behind” ng Southeast Asian neighbors nito sa transport infrastructure development.
Isiniwalat sa pag-aaral, may titulong “Transport Infrastructure in the Philippines: From Plans to Actual Allocation,” ang mahalagang puwang sa transport systems sa bansa partikular na sa railways, ports, at airport efficiency, kumpara sa well-developed networks ng ibang bansa sa rehiyon.
Gayuman, kinilala naman ng pag-aaral ang pagsisikap ng pamahalaan na iprayoridad ang infrastructure development sa iba’t ibang Philippine Development Plans 2023-2028.
Sinasabi pa rin na ang Pilipinas ang mayroong pinakamataas na bilang ng daungan sa rehiyon, iniuugnay sa archipelagic geography nito.
Sinabi naman ng PIDS na ang ‘strategic investments at comprehensive planning’ ay magiging mahalaga sa paghubog ng paglago at regional standing ng bansa, dahil tinutugunan nito ang ‘infrastructure gap.’ Kris Jose