Home NATIONWIDE PH-Japan Defense pact, suportado ni Risa pero ‘isyu sa comfort women, tuldukan’

PH-Japan Defense pact, suportado ni Risa pero ‘isyu sa comfort women, tuldukan’

152
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na kanyang susuportahan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas sa Japan, na magpapatibay sa pagkilos ng bansa na tuldukan ang panggigipit ng China sa West Philippine Sea.

NIlagdaan ang kasunduan noong Hulyo pero kailangan pa itong ratipikahan ng Senado bago maging epektibo alinsunod sa itinakda ng 1987 Constitution.

“Ito po ay magandang timing sa patuloy na pagbubuo natin ng bigger coalition, which is always a better coalition, sa ating political at diplomatic na pagtindig para sa ating pambansang interes at laban sa anumang pambu-bully tulad ng ginagawa ng China sa atin,” ayon kay Hontiveros.

Kasabay nito, isinusulong din ni Hontiveros ang pagkilala ngJapan sa kalagayan ng comfort women na nabiktima sa panahon ng pananakop ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.

Umaasa ang senador na matutugunan ng Japan sa pamamagitqn ng RAA at iba pang katulad na pagkilos ang isyu sa comfort women na patuloy na alalahanin sa harap ng magandalang relasyo ng dalawang bansa.

Kinilala at humigi ng tawad ang Japan sa kalupitan na kanilang hukbo at gobyerno ng dating emperyo ng Japan. Tinindigan ng Japan na nakapagbigay na sila ng reparasyon sa biktima noong 1951.

Nakatakda sa Japan-Philippine RAA, isa itong kasunduan na nililikha ang alituntunin sa nagkakaisang pagkilos na isasagawa ng puwersa ng Japan at Pilipinas.

Isasagawa ng kasunduan ang implementasyon ng nagkakaisang pagkilos tulad ng joint exercises at disaster relief sa pagitan ng Japan at Philippines at paunlarin ang interoperability sa pagitan ng puwersa ng dalawang bansa.

Bukod sa naturang kasunduan, nakikipag-ugnayan din ang Maynila sa defense agreement sa Paris at Berlin. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here