PANGASINAN – Patay ang isang 29-anyos na lalaki na DepEd Admin Aide Assistant matapos magbigti sa Urdaneta City ng lalawigang ito.
Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay tubong-San Mateo, Isabela ngunit nangungupahan sa Teachers Ville Subd., Brgy. Mabanogbog, Urdaneta, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, bandang 5:35 ng madaling-araw kahapon ay umuwi ang misis ng biktima at nadatnan nito ang kanyang mister na nakabitin sa loob ng kanilang kuwarto.
Gumamit ang kanyang mister ng extended belt sa kanyang pagpapakamatay.
Isinugod ang biktima sa Urdaneta District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.
Sinasabing problema sa pamilya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima. Rolando S. Gamoso