Home METRO Lalaking mentally-challenged utas sa mga parak matapos mag-amok, manaksak

Lalaking mentally-challenged utas sa mga parak matapos mag-amok, manaksak

MANILA, Philippines – Dalawang katao, kabilang ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip, ang nasawi sa marahas na insidente sa Barangay Tunhac, Famy, Laguna, nitong Huwebes.

Ang suspek, na hindi pa rin batid ang pagkakakilanlan, ay nag-amok umano, pinagsasaksak ang tatlong indibidwal, sinunog ang isang kubo ng nipa, at tinangkang atakihin ang mga rumespondeng pulis.

Kinilala ng mga awtoridad ang isa sa mga nasawi na si Federico Babaan y Mahino habang ang mga sugatan ay sina Russel Babaan y Mahino, Angelo Malasarte, at Andy Melgar.

Ayon sa Famy Municipal Police, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga matapos makatanggap ng mga ulat na pag-aamok.

Ang suspek, na inilarawan na may problema sa pag-iisip, ay binaril ng mga pulis nang tangkaing salakayin sila at idineklara itong dead on arrival sa malapit na ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang karagdagang detalye tungkol sa insidente at pagkakakilanlan ng suspek. Ellen Apostol